Nakasama ni Macapendeg sa tagumpay ang boys 16-under campaigner na sina PJ Tierro ng Olongapo City na nagtala ng 6-1, 6-0 panalo kontra Zedrick Battad; Edilyn Balanga ng Dagupan na nambokya kay Denise Culaba, 6-0, 6-0 sa girls 16-under bracket, Catherine Flores ng Ligao Albay na nagposte ng 6-3, 6-2 panalo kontra Kristel Samala at Bernard Alpuerto ng Los Baños na nanalo na-man kontra Allan Galang, 6-0, 6-1 sa junior mens 21-under plum.
Umusad din sina Balanga at Flores kasama sina Yvy De Castro na nanaig kontra Patricia Oreta, 6-0, 6-0; Krissy Alina na gumapi naman kay Katrina Pamintuan, 6-6 , 4-0 ret at Tracy Bautista na tumalo naman kay Karen Reyes, 6-2, 6-0 sa susunod na round.
Nagsipagwagi rin sina Rollyto Litang, JR Arias, Ghande Matunog, Allan Agulto, Ian de Guzman, Emerson Ocampo, Borgs Salpico, Raffy Santiago at Jigger Tanco sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids.