Nakatakda ang mga laro simula bukas hanggang 29 at ito ay gaganapin sa ibat ibang siyudad ng Cebu province.
Inaasahan ding dadalo ang mga special guest mula sa Provincial at City Government, Military establishment, Sports Association at Japanese community sa Cebu.
Ang naturang event ay iho-host ng Cebu Baseball/Softball Association sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Mr. Gaes Gacasan at ng De La Salle Alumni Association (Cebu Chapter) kasama si Chito Cusi bilang head.
Makakaharap ng Cebu teams ang mga bisitang koponan mula sa Lapu-Lapu, Mandaue, Mactan at Cebu Cities at nangako sila na isang kapana-panabik na laban ang kanilang ibibigay.
Ang Japanese delegation ay pangungunahan ng International Boys Nankyu Baseball Association (IBA), general manager Toshiki Tominaga at dala nito ang dalawa sa kani-lang star sa batang koponan mula sa Tokyo at Narita City.
Ang Narita team ay pawang mga All-Japan Champion sa Junior High School Division, habang ang Tokyo Team ay isang selection ng mga mahuhusay na manlalaro sa Tokyo District.