Central Mindanao U binokya ng Agusan National High

BUTUAN CITY -- Sumandig ang host Agusan National High sa tikas ni forward Mark Vestil upang bokyain ang Central Mindanao University, 3-0 at okupahan ang huling slot sa all-Mindanao Coke Go-for-Goal under-16 football finals sa susunod na buwan sa Cagayan de Oro City.

Nagsalpak si Vestil ng dalawang goals sa 49th upang hirangin bilang outstanding performer sa final match ng Agusan tourney na hatid ng Coca-Cola at ng Adidas ang opisyal na bola.

Ang Agusan National High ang ikaanim na koponan na naging finalists sa Mindanao finals na nakatakda sa Enero 15.

Nangunguna sa kalahok ang perennial Mindanao titlist La Salle Academy na napanatili ang kanilang korona sa Iligan City matapos na blangkahin ang Ozamiz City, 7-0 sa sub-regional finals.

Ang iba pang kalahok ay ang University of Mindanao (Davao), Notre Dame (Cotabato City), Zamboanga Polytechnic National High at ang host Misamis Oriental Comprehensive National High.

Show comments