PharmaQuick dinamay ang Osaka

Matapos masibak sa kontensiyon, isinabit din ng Pharma Quick sa maagang pagbabakasyon ang Osaka Iridologists nang kanilang iposte ang 71-59 panalo kagabi sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2nd PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Ariel Manalac ang Drug Specialists sa paghakot ng 21 puntos upang iposte ang kanilang ikalawang panalo pa lamang sa 9-laro tulad ng kanilang biktimang Osaka-La Salle.

Show comments