Alpuerto, Licayan pasok sa 2nd round

Kapwa umiskor sina Bernardine Alpuerto at Roel Licayan ng parehong panalo kahapon upang makarating sa second round ng boys’ 18-under division sa pagsisimula ng third Armando Manzano Cup Age-Group Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ginapi ng seventh-ranked na si Alpuerto, nakababatang kapatid ng national team mainstay na si Vida si Borgy Zoleta, 6-3, 6-1 upang itakda ang kanilang paghaharap ni Jet Esteller na nagposte naman ng 6-0, 6-0 panalo kontra Generoso Gutierrez.

Sa kabila nito, pinayukod naman ni Licayan si Lawrence Magaway, 6-3, 6-1 at isaayos ang kanilang paghaharap naman ng fourth seed na si Ghandi Matunog na nakakuha ng first-round bye kasama sina No. 1 Johan Guba, No.2 Jr. Moreno, No. 3 Ian de Guzman, No. 5 Emerson Ocampo at No. 6 Carlo Manalastas.

Ang iba pang humakbang sa susunod na round ay sina Elbert Anasta, Denny Rey Reyes, Jose Tinio III at Alvin Rex Agulto.

Nauna rito, pinabagsak ni Elridge de Castro si Rollre Anasta, 6-1, 6-4, habang naungusan naman ng nakababatang si Jandrick si Michael Basco, 6-2, 6-1 upang itakda ang second-round duel sa boys’ 16-under class. Ang iba pang nanalo ay sina Carlo Christian Oca, Sandeep Madhir, Michael Mantua, Edgardo Banaag II, Christian Florido, Marvelous Cortez, Valjames Villanueva.

Sa iba pang resulta, hiniya ni Jimmy Tangalin Jr. si Gerber Mamawal, 6-1, 6-1.

Show comments