Ika-5 panalo sa UAAP Baseball Tourney asinta ng Adamson University

Ikalimang sunod na panalo ang puntirya ng solo lider Adamson U sa kanilang nakatakdang pakikipagharap kontra National University sa ikatlong laro na isa sa nakatakdang triple bill sa pagpapatuloy ng UAAP baseball tournament sa Rizal Memorial ballpark.

Sa labang ito, tatlo ang misyon ng San Marcelino based-Falcons kontra Bulldogs--una ang mapanatiling malinis ang kanilang record, ikalawa na isara ang unang round na taas noo at ang huli ay ang tuluyan nang maaalis ang kamalasang nakakabit sa kanilang balikat sa tuwing makakaharap nila ang NU na siyang naging sanhi upang mabigo sila na makuha ang korona noong nakaraang taon.

"Mahirap kalaban ang NU, kahit nuong kalakasan ng team ko na naroroon pa si Ernesto Binarao ang palagay ng karamihan ay invicible ay nasira ang eight-game winning streak namin nang makalaban namin ang NU sa last game," wika ni coach Boy Codiñera Jr.

Inaasahang mangunguna sa kampanya ng Falcons ang batteries rookie na si Terence Vispo at ang beteranong si Jerrico Martinez na aaktong catcher katulong si Eric Francisco bilang pamalit kay Vispo.

At sa kanilang opensa, sasandig ang Falcons sa mga balikat nina Peter John Dimal, Cyrus Cajuyong, Joey Jimenez at Roland Siacor.

Ito ay tatapatan naman ng Sampaloc-nine based nina Rainiere Reyes, isa sa mahu-say na pitcher ng tournament at si Joel Palanog sa catching.

At sa opensa, babalikatin naman ito nina Juan Pablo, Bantex Pandes, Arnold Boco at Jessie Daquigan.

Sa unang laro, maghaharap naman ang University of Santo Tomas at ang Ateneo Blue Eagles sa alas-8 ng umaga, habang magpapaluan naman ang De La Salle U at ang UP Maroons sa alas-11.

Show comments