C L, kampeon sa Milo Best Women's Basketball League

Pinabagsak ng Community of Learners ang St. Scholastica’s College, 50-46 noong Linggo at makopo ang elementary crown sa Milo Best Women’s Basketball League sa Ateneo covered court.

Pinamunuan nina Jedil Lavhard Robelo at Sihaya Sadorra, na tinanghal na Most Valuable Players, maagang umabante ang CoL 23-21 sa halftime pa lamang at panatilihin ang abante tungo sa kanilang panalo.

Tinanghal namang kampeon ang New Era University, Miriam College at University of Santo Tomas na kampeon sa high school (developmental) high school (competitive) at college divisions, ayon sa pagkakasunod.

Pinarangalan naman si Jaclyn Cruz na MVP at ang Poveda Learning Center sa sportsmanship award sa high school division. Ang Miriam College ang tumanggap ng sportsmanship award sa elementary class.

Show comments