Pinamunuan ni PAF Commanding General Lt. Gen. Benjamin P. Defensor Jr. ang PAF officers at airmen na makopo ang walong gold medals sa tug-of-war at track and field events.
Tanging si Defensor lamang ang three-star general na lumahok sa officers relay at pangunahan ang four-men team ng PAF.
Ayon kay Defensor, ito ang unang pagkakataon na namuno ang PAF sa kasaysayan ng AFP-PNP Olympics.
Mahigit sa 500 PAF personnel ang nakipaglaban sa AFP at PNP sa 28 sporting events.