Dahil dito, ang kapana-panabik na PBL twin-bill ay ipapalabas lamang pagkatapos ng impeachment proceedings sa gabi.
Gayunpaman, ang larong nakatakda sa Makati Coliseum ay magsisimula sa paghaharap ng Montana Pawnshop at Hapee Toothpaste sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Sa isa pang laro, tangka ng Osaka Iridology at Pharma Quick na maitala ang kanilang ikalawang panalo sa kanilang pag-haharap sa ganap na alas-5:30 ng hapon.
Umaasa naman ang Iridologists na makaalpas sa kanilang tatlong sunod na kabiguan ngunit ang Pharma Quick na galing pa lamang sa 69-64 panalo laban sa Ateneo-Pioneer ay pinupuntirya sila bilang ikalawang biktima.
Umaasam naman ang Jewelers na makakabalik mula sa 50-62 kabiguan sa kamay ng Shark Energy Drinks noong Martes at kailangan ni coach Leo Isaac ang panalo upang mapatatag ang kanilang hawak sa ikalawang puwesto.
Samantala, bilang pagbibigayn pansin sa social responsibilities, ang PBL ay nakipagkasundo sa Habitat For Humanity na naglalayong makapagbigay ng disenteng tahanan para sa mga less-fortunate na kaba-bayan.
Ang Memorandum of Agreement ay pinirmahan ni PBL commissioner Chino Trinidad at Habitat For Humanity Philippines CEO Erly de Guzman, na sinaksihan nina PBL chairman Dioceldo Sy at Richie Davila.
Sa ilalim ng MOA, isinaalang-alang ni Trinidad ang mga multa at penalties na makukuha sa mga manlalaro para sa pagpapatayo ng "PBL house" na pagtutulu-ngang itayo ng PBL officials at athletes.
Ang bawat bahay ay magkakahalaga ng P120,000 na kapag hindi nabuo mula sa penalties at multa ng mga manlalaro ay aakuin naman ni PBL chairman Sy.