Ang dalawang koponan ay kapwa nag-iingat ng malinis na 2-0 win-loss slate kung saan hangad nila na makamit ang ikatlong dikit na panalo na siyang magpapatag ng kanilang kapit sa solong liderato sa two-round elimination format ng tournament na ito.
Bahagyang paborito ang Golden Tigress na humugot ng serbisyo ng tatlong Pampanga Senior League team na tumapos ng ikalawang puwesto sa nakaraang World Softball Series na ginanap sa Michigan kontra sa Falcons.
Inaasahang agad na isasalang ni Tigress coach Jeffrey Santiago ang kanyang ace pitcher at veteran world campaigner na si Esmeralda Tayag kasama sina Jacquelin Namit catching, habang susuporta naman si Nina Buenaventura.
At sa opensa, aasahan naman ng UST sina Emely Batac, Teresa Lagman at Jeanie Saclao, na pawang mga miyembro ng World Series Philippine team na tutulungan naman nina homerun hitter Patricia Galang, Hazel Corsane at Melanie Valencia.
Ngunit siguradong kaya itong tapatan ng AdU kung saan isasalang naman ng Falcons sina pitcher Desirie Prim at catcher Rosemarie Galvez katulong sina Leah Crudo bilang reliever.
Dadalhin naman nina Arnie Hilotin, Nelia Lara at Maria Wella Bacarisas ang opensa ng lady Falcons.
Matapos ang unang laban, ito ay susundan na-man ng sagupaan sa pagitan ng De La Salle U at University of the East sa alas-11 ng umaga, habang isasara naman ng University of the Philippines at ng Ateneo University ang sagupaan sa dakong alas-12 ng tanghali.