Lupon School binokya ng UM sa Coke Go-for-Goal

DAVAO CITY--Binokya ng local champion University of Mindanao ang Lupon School of Fisheries, 3-0 noong Miyerkules upang mapagwagian ang all-Davao Coke Go-for-Goal under 16 football crown sa Daniel Aguinaldo National High field dito.

Inilatag ng Maroons ang 2-0 kalamangan mula sa goals ni Jason Mortillero sa 15th at 28th minutes at hindi na nagpabaya pa.

Ipinagpatuloy ng Maroons ang kanilang dominasyon sa second half. Umiskor ang left-winger na si Charlton Yap upang iseguro ang kanilang panalo.

Bunga nito, ang UM ang ikalawang koponan na nakapasok sa all-Mindanao finals na nakatakda sa Jan. 15-19. Nakuha ng Notre Dame of Cotabato City ang unang finals slot ng manguna sa all-Cotabato sub-regional finals na ginanap rin dito.

Show comments