Hindi rin nagpahuli ang Polytechnic University of the Philippines at kanilang pinayukod naman ang National College of Business and Arts, 98-83 upang manatiling malinis ang kanilang record.
Dahil sa kabiguan ng Green Archers, sila ay bumagsak sa ikalawang katayuan sanhi ng kani-lang 1-1 win-loss slate kasama ang Philippine Maritime Institute at Ama College, habang napaganda naman ng Jaguars ang kanilang record sa 2-1.
Muling sumandig ang Jaguars sa agresibong opensa ni Archer Calacar ng humataw ito ng pitong sunod na puntos upang ihatid ang kanyang koponan sa 34-24 pangunguna.
Sinikap ng Archers na maagaw ang trangko, ngunit agad ding nakabawi ang Jaguars sa likod ng krusiyal na basket ni Ronnie Zagala at muli niyang naihatid sa pangunguna ang PSBA na hindi na nagawa pang lingunin ng Taft-based dribblers.
Tumapos si Zagala ng 16 puntos upang pa-munuan ang Jaguars.
Sa iba pang laro, tinalo ng St. Francis of Assisi College ang PATSS College of Aeronautics, 74-56 habang sa women’s division, naitala naman ng PUP ang kanilang ikalawang panalo sa apat na laro matapos na pabagsakin ang Colegio de San Lorenzo, 69-64, habang nakaungos rin ang Lyceum sa PMI, 77-47.