Aabot sa libu-libong runners ang inaasahang eentra sa karerang ito na kinabibi-langan ng 3K at 5K fun run na sa simula pa lang ng karera hanggang sa matapos ito ay tatahak sa mala-mig at bulubunduking siyudad.
Si Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang siyang magpapaputok ng baril sa starting area eksaktong alas-6 ng umaga, habang inimbitahan naman si Vice-Mayor Daniel Fariñas na dumalo sa nasabing event, na isa sa pinaka-malaking karera sa malamig na lugar na ito.
Pamumunuan ni defending champions Castro Cudli at Flordeliza Cachero ang listahan ng mga kalahok na mag-aaral mula sa Baguio Central School, University of Baguio, Baguio City National High School, John Hay Elementary School, Lucban Elementary School at sa Josefa Cariño Elementary School.
Ang top 3 finishers sa dalawang mens at womens division ng 10K run ang makakasama ng mga nauna ng qualifiers para sa gaga-naping National Finals sa Disyembre.