Sa kasalukuyan, taglay ng Panthers ang 2-6 win-loss slate na ang huling limang laro ay pawang talunan sa dahilang si Green ay ginagambala ng sprain sa kanyang bukungbukong na kanyang natamo sa kanilang laban kontra sa Purefoods Tender Juicy Hot-dogs noong nakaraang Oktubre 11.
Si Green ay pansamantalang hina-linhan ni Cedrick McCullough, ngunit yumukod din ang Pop Cola kontra sa Mobiline Phone Pals sa kanilang out-of-town game sa Albay Astrodome sa Legazpi City na dahilan upang muling ibalik ni coach Chot Reyes si Green.
Nauna rito, nakipag-usap na ang Pop Cola na kunin si Cris Clay sa Laguna Lakers sa MBA upang lumaro sa kanilang bilang reinforcement. Ngunit ang nasabing ideya ay hindi nag-materialized sa dahilang maaaring masabotahe ang paglalaro ni Clay sa MBA.
Sa kabila nito, hinugot ng Pop Cola ang isang manlalaro na may taas na 65 mula sa MBA sa katauhan ni Arnold Gamboa ng Iloilo Megavolts kapalit ni Zaldy Realubit na ipinamigay naman nila sa Tanduay Gold Rhum noong Lunes. (Ulat ni A .C. Zaldivar)