Nasa ikatlong taon na, ang karera ngayon ay humakot ng pinakamaraming runners sa unang pagkakataon, makaraang ibilang ng organizers ang inter-school competition para sa may pinakamaraming bilang ng finishers at ang 3K kiddie fun run.
"Pamantasan ng Makati alone has already registered around 2,000 of its students and we are certainly heartened by the positive response from different Metro Manila schools to get young people involved in sports," ani Adidas marketing director Sonny Nebres.
Inaasahang magbibigay ng mabigat ng laban kay Eduardo Buenavista sa 21K half marathon sina 5-time Milo marathon champion Roy Vence, Allan Ballester, Daud Mama, Crisanto Canillo Jr. at ang beteranong si Rey Antoque. Sa kababaihan, hahamon naman kay Christabel Martes sina Yakult 10-Miler winner Hazel Madamba, Melinda Manahan, Juvy Madridea Jona Gayumba-Atienza at ang nagbabalik na si Enate Sayrol.
Ang naturang karera na suportado ng Milo, Gatorade at Viva Mineral Water ay magsisimula at magtatapos sa CCP Complex grounds sa eksaktong alas-6 ng umaga.
Pinapaalalahanan ni race organizer Rudy Biscocho ang lahat ng runners na dumating sa starting line sa ganap na alas-5 ng umaga para sa check-in procedure.