Pharma Quick sinagpang ng Shark sa 2nd PBL Challenge Cup

Naging madali ang pagsulong ng Shark Energy Drinks sa kanilang ikalawang sunod na panalo nang kanilang dominahin ang laban kontra sa baguhang koponan na Pharma Quick tungo sa 73-54 tagumpay sa pag-usad ng eliminations ng 2nd PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Umarangkada kaagad sa unang bahagi ng laba-nan ang Energy Drinks at di nagpabaya sa second half kung saan umabante ng 39-puntos ang Shark upang ipalasap sa Pharma Quick ang kanilang ikala-wang sunod na talo.

Isinara ng Shark ang unang quarter na taglay ang 23-9 kalamangan na kanilang pinalobo sa 47-22 sa pagsapit ng halftime na di na nagawang tibagin pa ng Pharmna Quick sanhi ng kanilang kabiguan.

Samantala, nalimitahan ng FEU-Mr. Wash ang NCAA champion College of St. Benilde sa dalawang puntos sa overtime tungo sa 72-64 panalo upang makopo ang solong pangunguna sa Group B ng 1st Philippine Youth Basketball League.

Nauna rito, naitala naman ng Colegio de San Juan de Letran ang tagumpay sa kanilang debut game sa Group A matapos ang 70-62 panalo kontra sa Mapua Institute of Technology.(Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments