Ang iba pang nakakuha ng slot sa main draw ay sina Geminesse Co na umiskor ng 4-2, 4-1, 4-0 panalo kontra Debbie Ong at Josephine Paguyo na humatak naman ng 4-0, 4-1, 4-0 pamamayani kontra Vanessa Gutierrez.
Ang iba pang qualifiers ay sina Kristel Samala, Ziarla Battad at Indonesian Dea Sumantri.
Nabigyan naman ang mga locals na sina Jennifer Saret, Czarina Mae Arevealo at Indon Romana Tedjakusuma ng wild card entries sa 32-man main draw na may nakalaang $1,568 cash at limang WTA (Women’s Tennis Association) points sa singles champion.
Magpapakita ng aksiyon ang mga manlalaro mula sa 10 bansa sa ITF Grand Slam Development Fund-sponsored event sa pamumuno ng world’s No. 308 Shelley Stephens ng New Zealand. Ang iba pang kalahok ay sina Kyung-Yee Chung ng Korea (317), Jayaram-Sai Jayalaksmy ng India (403), Andrea Van Den Hurk ng Netherlands (438), Rushmi Chakravarthi ng India (476), Orawan Wongkamalasai ng Thailand (645), Kim Jin-Hee ng Korea (673), Jennifer Schmidt ng Austria (683), Shruti Dhawan ng India (705) at Remi Uda ng Japan (753).
At dahil sa naaprobahan na sa isinagawang ITF Annual General Meeting nitong kaagahan ng taong kasalukuyan, gagamitin sa nasabing tournament ang alternative scoring system na tatawaging "short sets."
At sa ilalim ng bagong format, ang laban ay magiging best-of-five set. Ang unang manlalaro na makaiskor ng apat na games ang siyang idedeklarang panalo.