Milo Open Men's Singles nagsimula na

Naihakbang ni Neil Co ng Ateneo ang kanyang sarili patungong final ng Milo Open men’s singles non-ranking tournament makaraang hatakin ang 7-5, 6-3 pamamayani kontra Inn de Guzman ng UP kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Haharapin ni Co si Ricardo Lagac na umiskor ng 6-2, 6-2 pamamayani kontra Cary Caabay sa isa pang semifinal match.

Samantala, nagsimula na kahapon ang competitions para sa P170,000 Open division nang itala ni No. 6 Pio Tolentino ang kanyang 7-6 (4), 2-0 (ret) pamamayani kontra Shawn Brooke upang pamunuan ang iba pang first-round winners.

Sa iba pang resulta, magaang na umusad sa susunod na round si No. 7 Clemente Cabrera na nanalo ng default kontra Eldrigde de Castro at pinigil naman ng No. 8 na si Pop Sabandon si Bernard Alpuerto, 6-0, 6-1 upang makasama ang Manila Southwoods Tennis Academy bets Ronald Paz at Niño Salvador sa second round.

Show comments