Metrostars sinopresa ng San Juan Knights sa MBA National crown

Nabuhayan ng loob ang ambisyon ng San Juan sa kanilang kampanya para sa MBA National crown nang pabagsakin nila ang nagdedepensang kampeon na Manila, 85-72 sa San Juan gym at makuha ang 1-0 lead sa kanilang best-of-five Northern Conference finals.

Pinamunuan Chris Calaguio ang pagkontrol sa tangkang rally ng Metrostars sa kanyang naitalang 20 puntos.

Ang magwawagi sa Northern Conference Finals at uusad sa best-of-seven National Finals kontra naman sa magwawagi sa Southern Conference Finals sa pagitan ng Cebu at Negros na kasalukuyang naglalaban pa sa Cebu City gym habang sinusulat ang balitang ito.

Ang Game ng Southern Conference ay sa Cebu din bago umusad sa Bacolod City sa susunod na linggo para sa Game Three.

Isang malamoog na depensa ang isinagawa ng Knights nang tangkain ng kalaban na umatake sa ikaapat na quarter ngunit binigo ito ng isang clutch hit para tapusin ang ambisyon ng Manila.

Show comments