Ito ang ikalawang pag-kakataon na na-sweep ng San Juan ang kanilang serye ng Laguna kung saan matatandaan na sa kanilang Crossover Cup championship, kanilang iginupo ang Lakers sa kanilang best-of-three series.
Agad na nagtala ang Laguna ng 16-puntos na kalamangan kung saan kanilang nalimita ang Lakers sa 32-15 sa ikatlong period upang mahawa-kan na ng tuluyan ang momentum ng laro.
Kinuha ng San Juan ang Game One sa pamamagitan ng 93-83 tagum-pay. Mapapasabak ang Knights sa mananalo sa pagitan ng Manila at Pasig-Rizal na kasalukuyan pang naglalaban sa National Finals.
Matapos na kumulapso sa ikatlong quarters, sinikap ng Lakers na bu-mangon sa tulong na rin ng kanilang mga taga-suporta sa San Luis Sports Complex nang magpakawala sila ng 20-3 salvo na tinampukan ng side jumper ni Biboy Simon ang nagpakaba ng bahagya sa Knights sa 86-87 deficit.
Ngunit nabigong masustinahan nina Simon at Chris Clay ang kanilang paghahabol kung saan pawang sumablay ang kanilang mga pagtatangka three-point range sa mga krusiyal na bahagi ng labanan na magiging tulay sana ng lakers para ang laro ay madala sa overtime.
Samantala, isang panalo na lamang ang kailangan ng defending national champion Manila at Iloilo Megavoltz upang makapasok sa Finals sa nakatakdang doubleheader sa Mail & More San Andres Sports Complex.
Haharapin ng Megavoltz ang Cebu Gems sa alas-2 ng hapon, bago magtitipan naman ang Manila at Pasig-Rizal sa alas-4:30.