Bagong 4WD racing canter bubuksan

Magbubukas ng isa sa pinakamalaking 4WD racing center ang Abachu Commercial Corporation (ACC) sa Harrison Plaza sa Biyernes, Oktubre 20.

Ang naturang racing center na pag-aari ni Roberto Martel Puyat ay may kumpletong talaan ng mga accessories at pinaka-latest na modelo ng AC mini 4WD. Ang bagong sangay ay itinatag bilang tugon sa mga mahihilig sa mini 4WD kung saan umagaw ng pansin sa mga hobbyist at sports enthusiasts.

Nakipagkasundo rin ang ACC sa Nestle Chocolait para sa mga invitational tournaments na ginaganap sa iba’t ibang panig ng bansa.

May mga torneo din na gaganapin sa Marikina River Bank sa Oktubre 22 sa ganap na ala-una ng hapon at ang championship round naman ay itatanghal sa Alabang Town Center sa Oktubre 29.

Ang lahat ng nais sumali ay kailangang magpatala muna bago magsimula ang torneo.

Show comments