Itoy kung mananalo siya sa kanyang pakikipaglaban kontra International Boxing Organization (IBO) junior featherweight champion Simon Ramoni ng South Africa sa Johannesburg sa Nov. 14 at ang kanyang panalo ay magla-lagay sa Pinoy pug na mapasabak naman para sa International Boxing Federation (IBF) crown na kasalukuyang hawak ni Benedict (Lehlo) Ledwaba na posibleng ganapin sa Enero ng susunod na taon.
Determinado ang 21-anyos na si Pacquiao na muling makuha ang panibagong sinturon matapos na siya ay matalo sa World Boxing Council (WBC) flyweight diadem sa pamamagitan ng pagtimbang sa kanya sa Bangkok noong nakaraang taon.
Apat na sunod na panalo na pawang mga knockouts ang kanyang ipinamalas upang ipakita ang kanyang tikas at siya rin ang kasalukuyang WBC international super-bantamweight titlist na ang pagkilala ay para lamang sa mga contenders na ang ranggo ay hindi bababa sa top 10.
Matindi rin ang pagnanais ni Pacquiao na muling makopo ang panibagong world title bago ang kanyang asawang si Jinky na ngayon ay kasalukuyang limang buwang nagdadalantao ay magsisilang sa kanyang panganay.
Noong Sabado, itinala ni Pacquiao ang fourth round knockdown kontra Nadel Hussein ng Australia sa 10th upang mapanatili ang kanyang WBC International diadem sa Yñares Center sa Antipolo.
Ang labang ito ang nagsilbing pinakamalaking pagsubok sa tubong General Santos na si Pacquiao bunga ng maduming paglalaro ni Hussein, gayunman sa kahuli-hulihan, ang laban ay itinigil ng ideklara ng ringside physician na si Dr. Nasser Cruz na hindi na ubra pang sumabak sa aksiyon ang Australyanong challenger sanhi ng kanyang isang inches na hiwa sa kaliwang eyebrow.
Ang 26-anyos na si Ramoni ay hindi madaling kalaban para kay Pacquiao na kilala sa kanyang mahusay na pagbomba sa katawan ng kalaban.
Noong nakaraang Mayo, niyanig ni Ramoni si Patrick Mullings sa eight-round na dahilan din upang ang Englishman ay dalhin sa hospital bunga ng dalawang basag na tadyang.
Inagaw ni Ramoni ang IBO title sa pamamagitan ng unanimous 12-round decision kontra Mullings sa kanilang naunang paghaharap dalawang taon na ang nakakalipas. Tatlong ulit din niyang napanatili ang korona--una sa second round knockout kontra Michael Alldis, isang desisyon kontra Sandor Koczak sa Poland at ang huli ay ang eight-round stoppage kontra Mullings sa kanilang rematch.