HS, nagtala ng 2 panalo sa Milo Women's Volleyball League

Dalawang ulit nagtala ng panalo ang Holy Spirit noong nakaraang linggo upang mapaganda ang kanilang record sa 5-0 sa elementary division ng Milo BEST Center Women’s Volleyball League noong nakaraang linggo sa Ateneo courts.

Pinayukod ng Holy Spirit ang Jubilee Christian, 25-19, 25-14 at Dominican School, 25-20, 25-20 upang maungusan ang Colegio de Sta. Rosa na nanalo sa Holy Family, 25-15, 25-22 at sa Baesa Adventist Elementary, 24-26, 25-17, 15-6.

Sa high school division, sinilat ng PWU-JASMS ang Roosevelt College, 24-26, 25-20, 15-8 para mamuno sa group B sa kanilang dalawang sunod na panalo.

Show comments