Ang 37-anyos na German ay nag-average ng 14.2 points, 6.3 rebounds at 3.4 assists para sa kanyang career. Tatlong beses din siyang naging miyembro ng All-Star Team,
Si Schrempf ang first-round draft pick ng Dallas Mavericks noong 1985 at naglaro rin siya sa Indiana Pacers, Seatle Super-Sonics at Portland Trail Blazers. At ang kanyang huling season sa Portland ay di naging maningning ng magtala ito ng average na 7.5 points at 4.3 rebounds.
Si Schrempf ay naglaro rin sa NBA Finals noong 1996 nang ang Seattle ay matalo sa Chicago Bulls sa anim na laro.
Sa New York, hindi makapaglalaro ang New York Knicks center na si Luc Longley ng 3 hang-gang anim na linggo sanhi ng kanyang natamong injury sa kanang tuhod sa Sydney OIympics.
Sumailalim si Longley sa MRI at nasuri siya ng Knicks physician na si Dr. Norman Scott noong Lunes na kailangang ayusin ang kanyang articular cartilage sa kanang tuhod at mas gasgas ang kanyang secondary bone.
Sa Seattle, nakatakda nang lumaro si Patrick Ewing para sa kanyang bagong koponan ang SuperSonics.
"Im ready to rock and roll," wika ni Ewing noong Lunes sa Seattle Super-Sonics media.
Si Ewing ay ipinamigay ng New York Knicks sa Seattle noong nakaraang buwan para sa isang four-team trade matapos ang 15-taong relasyon nito sa Knicks at sa mga tagasunod ng New York.
Ang 38-gulang na si Ewing ang isa sa mag-susuot na ng green-and-white uniform sa kauna-unahang pagkakataon sa Lunes. kasama niya ang apat na bagong free agents na lumagda ng kontra.