Kahina-hinalang kilos ng mga Chinese dito

KAHINA-HINALA ang kilos ng mga Chinese sa Pilipinas.

Dumagsa ang exchange students nila sa Cagayan. Nag­babayad ng hanggang tig-P2 milyon para sa undergraduate o master’s degrees maski hindi pumapasok.

Mga espiya kaya sila? Sa probinsyang ‘yon sa hilagang Luzon ang dalawa sa apat na kampo ku’ng saan nagsasanay ang US military sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Nakaharap ang Cagayan sa Taiwan, na nais sakupin ng Beijing bilang probinsya. Nagdala doon nu’ng Abril ang U.S. forces ng missiles na maaring umabot sa Taiwan, West Philip­pine Sea, at China mainland.

Kontra si Cagayan Governor Manuel Mamba sa joint PH-US military exercises. Nais niya ay joint drills ng Pilipinas at China.

Ni-raid ng pulis sa Taguig, Metro Manila ang townhouse ng isang Chinese nu’ng Abril. Nasabat ang assault rifles at matataas na kalibreng bala. Tinangka ng kapwa-Chinese suhulan ang mga pulis. Arestado sila.   

Dinagsa ng Chinese ang Multinational Village sa Parañaque, Metro Manila. Nagma-marcha sila na parang sun­dalo. May mga eksklusibong spa at restoran sila. Bumili pa ng 800 car stickers.

Natitiktikan ang malimit na tangka ng Chinese na umupa ng bahay malapit sa Villamor Air Base, headquarters ng Air Force. O kaya sa Fort Bonifacio, headquarters ng Army at ng Marines.

Nakapuslit sa Batangas nu’ng Abril ang 1.8 toneladang shabu, halagang P13 bilyon. Pinakamalaking nasabat na drug smuggling ‘yon sa kasaysayan. Dekada-1990s pa nagpupuslit ang People’s Liberation Army ng droga. Tangka ng PLA generals na bobohin at pahinain ang Pilipino.

Nu’ng 2017 siniwalat ni Senator Ping Lacson na may 3,000 espiyang Chinese. May mga asawa o kabit na Pili­pina. In-infiltrate nila ang mga negosyo at samahang sibiko sa probinsiya. Mga “sleepers” sila na kikilos oras na mag­kagiyera tayo sa Communist China.

Show comments