NAGKA-DRAMAHAN, nagka-personalan na ng mga senador sa isyu ng “Christmas bonus†nilang milyon-milyong-piso. “Nagbitiw†kuno si Juan Ponce Enrile ng Senate Presidency, na agad namang “tinanggihan†ng 11 sa 16 na nagsesesyong katoto. “Karelasyon†niya umano ang chief of staff na Gigi Reyes, ani Minority Leader Alan Peter Cayetano. At tinaguriang ingrato si Cayetano sa pag-ukilkil sa matandang Enrile, na hindi na nga siningil ang P37-milyong utang ng yumaong tatay na Rene Cayetano.
Mala-telenovela at nakakikilig na tsismis lahat. Pero hindi pa rin nangyayari ang nais ng mamamayan: Ang pagtahak ng Senado sa “Daang Matuwid†ng pamamahala. Simple lang ang isyu: Ihayag ng mga senador kung paano nila ginagasta ang pera ng bayan.
Tig-P2.218 milyon mula sa “savings†ng Senado ang ipinamahagi ni Enrile sa kanilang 23, bilang dagdag na operating budget. Dagdag pa na tig-P250,000 ang pinarte-parte mula sa natipid ng opisina ni Enrile.
Bakit may “natipid� Kasi kwestiyonableng pinondohan nila ang binakanteng Senate office ni Noynoy Aquino nu’ng 2011, 2012, at 2013, dahil nag-Presidente nu’ng 2010. Sinadyang maglaan ng pagpapartehan.
Papano ito gagastahin? Kesyo sang-ayon kuno lahat sa patakaran ng pag-o-audit sa pamahalaan. Pero inamin ni Commission on Audit chief Grace Pulido Tan na hindi naman nagsusumite ng official receipts ang mga senador; certification at office voucher lang ng expenses. Labag ito sa auditing rules.
Bakit sila nagpartehan? Kesyo dati nang gawain ito, panahon pa ni Quezon, ani Enrile. Kesyo maraming “pressures†sa mga senador sa Kapaskuhan. Ibig sabihin, sinasarili nila ang pera ng bayan. At ayaw nilang repormahin ang sarili, dahil ugali na nila maging ganid.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com