COA, palpak

 SUMASAKIT ang tiyan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang late order ng Commission on Audit na ilagay sa talaan ng blacklisted ang GJB Enterprises Inc., ang car plate supplier ng Land Transportation Office  sa pagsali sa mga  future bids para sa suplay at  delivery ng  motor vehicle license plates dahil sa kapalpakan nitong gawin ang kanilang obligasyon nakasaad sa kontratang pinasok nila sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 2011 report  na nakarating sa COA , sinasabing  ang GJB Enterprises Inc., supplier ay  nabigyan ng  P21.3 million contract para mag-surprise este mali supply pala ng 82,862 aluminum sheeting materials para sa mga  motor vehicles at 39,922 sheets para sa motorcycle plates noong December 18, 2010.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng kontrata, kailangang mai-deliver ng  GJB Enterprises ang 25 percent  ng kailangang aluminum plates sa loob ng 30 days mula sa issuance ng Notice to Proceed noong January 3, 2011 at ang full delivery  ay kailangang makumpleto na hindi lalampas sa  July 2011 o sa loob ng limang buwan matapos ang  initial delivery nito.

Gayunman noong  December 31, 2011 nalaman ng  COA  na ang naturang contractor  ay nananatiling may shortfall  na  49,762 motor vehicle plates at 21,887 motorcycle plates as of December 31, 2011.

Ilang beses nang kinulit at napagbigyan ang GJB Enterprises ng palugit para maibigay ang obligasyon nito pero noong  June 30, 2012 o isang taon matapos ang original deadline, hindi pa rin naipadadala ang  20,262 motor vehicle plates at 11,887 motorcycle plates.

Naku ha !

Dulot umano nito, nagkaroon ng short deliveries ng mga car plates ang LTO hanggang sa naging  malawakan na ang kakulangan ng produksiyon ng mga plaka ng sasakyan  noong nakaraang taon.

Sa kanilang panig, inamin naman ng LTO Property Division  na bunga ng kawalan ng delivery ng aluminum sheeting materials  ay lalung tumindi ang pangangailangan sa mga plaka dahil hindi inaasahan ang bugso ng mga irerehistrong sasakyan  sa ahensiya.

Bunga nito, nakakolekta ang LTO ng  P4,328,619.03 bilang multa ng naturang supplier para sa mga hindi nai deliver na aluminum sheeting materials.

 Hanggang sa kasalukuyan, ang LTO ay wala pa ring maibigay na car plates sa mga bagong sasakyan na nairerehistro sa LTO dahilan sa hindi naman nag qualify sa requirements ang bagong nanalong car plate supplier ng ahensiya na DTEM.

December 30,2010 ay natapos na ang kontrata ng GJB Enterprises sa LTO para sa paggawa ng car plates.

‘Siguro dapat busisiin ng COA para hindi sila palpak ang kontrata ng DTEM, supplier ng vehicle plates sa LTO dahil noon pang May 2012 ay wala rin mga plaka ng mga bagong sasakyan na maibigay ang mga ito kasi lagapak sila sa requirements ng LTO at DOST.’ Sabi ng kuwagong nadaya sa bidding.

‘May mga bali-balita na ang GJB at DTEM ay isang grupo daw kaya palpak ? Sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘COA pakibusisi nga at alamin ninyo sa Securities Exchange Commission kung sila-sila rin ang nakapangalan sa dalawang kumpanyang ito ?

Abangan.

Dead serious si Biazon

DEAD SERIOUS si BOC Commissioner Ruffy Biazon ang tungkol sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga kamoteng smuggler at mga drug mule na lumabag sa batas ng Taripa sa Philippines my Philippines kaya naman siya mismo ang pumupunta sa korte para sampahan ng kaso ang mga hunghang.

Sa ginawang pagsampa ng mga kaso sa mga lumabag sa batas na ipinaiiral ng Bureau of Customs minomonitor ni Ruffy kung ano na ang nangyayari sa mga kinasuhan niya dahil ang mga tauhan na niya ang dadalo sa mga pagdinig at baka may mga gago na ibenta ang case problem sa kalaban ng gobierno ? Hehehe !

Tiyak ang mga drug mule na nahulihan na may bitbit na droga ay malamang mabulok sa kalaboso.

Sabi nga, buti nga !

‘halos billion of pesos worth ng droga na ipinasok sa Philippines my Philippines ng mga pakawala ng international syndicate ang nahuli kung saan-saan paliparan kaya naman laking problema ng mga amo nila tungkol dito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘hindi pa dito nagtatapos ang kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinakapa na pala ang tungkol sa operasyon ng mga smuggler ng langis dyan sa Subic ?’

Abangan.

Show comments