Among Ed sabak uli sa Pampanga

SASABAK muli ang dating gobernador ng Pampanga na si Among Ed Panlilio para kalabanin ang incumbent governor ng lalawigan na si “Nanay” Lilia Pineda. Aba, nasa partido siya ng Pangulong Noynoy and the President is on his side.

Pero teka, teka..Mr. President, tila krimen ang ginawa mong pagpanig kay Among Ed. Hindi ba iyan ang tinatawag na Pari-side?  (dyoklang!)

Nanalo nang gobernador si Among Ed nung araw pero dahil sobrang straight, kinainisan ng mga mas nakabababang opisyal. Hindi kasi politiko at ‘di alam ang art of compromise na siyang kalakaran sa politika lalo na sa ating bansa.

Ito namang si Gov. Pineda ay napaka-pilantropo. Laging namumudmod ng pera sa mga poorest of the poor ng lalawigan. Kasi aniya, araw-araw ay dinudumog siya ng mga mararalitang humihingi ng kanyang saklolo. Kaya ang tawag sa gobernadora ay “Mother of perpetual help.”

Kaya ang kuwestyon, uubra kaya ang bendisyon ni Noynoy kay Panlilio laban sa pagiging matulungin ni Gov. Pineda? Sabi nga ni San Fernando Pampanga Mayor Oscar Rodriguez, dapat pang matuto ng laro sa politika si Among Ed. Si Mayor Oca ay tatakbo naman sa pagka-Representante ng second district ng Pampanga.

Pero para sa’kin, kailangan nang magbago ang sistema sa politika sa bansa na humihikayat sa mendicancy o pamamalimos kaya ang tinatarget ay ang emosyon ng mga taong inaabutan ng one day at a time. Palagay ko, kahit si Noynoy ay alam na may kahirapan ang pagre- porma sa politika sa bansa dahil sa kulturang ganito ng mga Pinoy.

Pero ano kaya kung ku­mandidato sa pagka-Pre-sidente si Among Ed sa susunod na halalang pampa-nguluhan? Wika nga, a man of God for a change, tapos ang running mate niya ay si Angeles City Mayor Ed Pamintuan.

Not a bad idea. Sabi nga “TWO EDS ARE BETTER THAN ONE.”  Tapos ang adbokasya ni Among ay Freedom of the Priest” at ang magko-cover sa kanya ay ang Malacañang Priest Corps na tatambay lagi sa Malacañang Priest’s Office. (Dyokdin..hehehe)

Show comments