NAKALOLOKO talaga ang politika! Sabi nga, pagda-ting sa politika ay walang permanenteng kaibigan kundi permanenteng interes lang. Iyan ay isang katotohanang hindi magbabago.
Kung isa kang tusong politiko, sasayaw ka sa tugtog. Hindi puwedeng mag-chacha kung ang tugtog ay tango dahil magmumukha kang gago. Ganyan din sa politika. Sabi nga sa wikang Inggles “politics makes strange bedfellows.” Yung mga dating magkaaway ay nagiging magkaibigan at yung mga dating magkaibigan ay biglang-biglang nagiging magkaaway.
Kung sino ang partidong namumuno ay siyang kina-kapitan. Halimbawa, nabalitaan nating makikipag-sanib-lakas na rin sa partido ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga dating kaalyado ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa darating na 2013 midterm elections.
Yung iba na walang muwang sa kalakaran ng politika ay maaaring magtaas ng kilay. Sa politika kasi, hindi puwedeng ang sandaang porsyentong ideyalismo dahil hindi ka makapoporma. Siyempre kung gusto mong manalo ay kakapit ka sa kung sino ang malakas. Kaya asahan natin ngayon na yung mga masusugid na dumedepensa kay GMA noong araw ay dedepensa na ngayon kay P-Noy.
Ayon kay National Unity Party (NUP) president at incumbent Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, magkaroon sila ng coalition agreement sa Liberal party (LP) sa Biyernes. Ito’y bagay na kumpirmado naman ni House Speaker Sonny Belmonte.
Ganyan palibhasa sa tinatawag na multi-party system. Ang lahat ng mga partido ay nakikipag-alyansa sa
mga malalakas na partido dahil wala silang tsansang manalo kung hindi gagawin ito.
Ibang-iba na talaga ang sistema sa ating politika sapul nang mapatalsik sa kapangyarihan si Marcos. Bago mag-martial law, dadalawa lang ang partido: Liberal at Naciona-lista.
Nang maupo si Cory Aquino ay doon isinilang ang maraming partido na biglang nagpabago sa poli-tical configuration sa bansa.