International Literacy Day

IPINAGDIWANG sa buong mundo noong Setyembre 8 ang International Literacy Day alinsunod sa proklamasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Ayon sa UNESCO, “literacy is the ability to identify, understand, interpret, create, communicate and compute, using printed and written materials… enabling individuals to achieve their goals, develop their knowledge and potential, and participate fully in their community and wider society.”

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng literacy para sa pagkakaunawaan, pagkakasundo, kapayapaan at pag-unlad. Malaking problema pa rin sa Pilipinas ang kasalatan sa literacy. Napaulat na humigit-kumulang na apat na milyong Pilipino ay hindi marunong bumasa o sumulat, habang 11 milyon naman ay nahihirapang bumasa, sumulat at umunawa ng instraksiyon, direksiyon, patakaran at iba pa.

Marami tayong kababayan sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan ang may sariling dialect o kinamulatang wika. Pero sa mga unang baitang pa lang ng edukasyon sa iskuwelahan ay isinasalang na agad sila sa paggamit ng ibang wika kaya nauudlot ang kanilang basic literacy development at pagkatuto. Ayon sa aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, “It is high time we re-examine as well as re-assess the Filipino language in functional library in order to strengthen the learning process inside the classroom.”

Kaugnay nito, ipinupursige niya ang Senate Bill No. 821 (Strengthening the role of the vernacular and Filipino in functional literacy). Layon ng panukala na palaganapin sa sistema ng edukasyon ang wikang Filipino at mga vernacular ng iba’t ibang probinsiya at rehiyon. Alinsunod sa panukala, gagamitin ang vernacular bilang language of instruction sa Grades 1, 2 at 3 kasabay ng paghasa rin sa kanila sa Filipino bilang pambansang wika at sa English. Ito ay sa pamamagitan ng regular na diskusyon sa silid-aralan, paglimbag ng mga kaukulang libro at mga pagsasanay sa pagsulat at pagbasa.

* * *

Happy b-day: Ba­ta­­an governor Enri­que Garcia (Set. 13) at Aurora governor Bella Angara-Castillo (Set. 14).

Show comments