AYON sa pagsusuri, tatlo sa bawat limang Pilipino ay magkakaroon ng diperensiya sa pandinig pagdating nila ng edad 65. At dalawa sa kanila ang mangangailangan pa ng hearing aid.
Paano ba natin mapro-protektahan ang ating pandinig? Alamin natin:
1. Hinaan ang volume ng iPod at radyo. Ang sobrang ingay ay nagdudulot ng pagkabingi. Kapag naririnig mo ang tunog mula sa iPod ng iyong kasama, ang ibig sabihin ay sobrang lakas na ang volume niyan.
2. Takpan ang tainga kung maingay ang lugar. May pagsusuri na nagsasabi na ang mga taong laging nakaririnig nang malakas na ingay (tulad ng nakatira sa tabi ng tren or airport) ay mas nagkakasakit sa puso. Na-i-stress ang katawan nila kahit hindi nila namamalayan.
3. Huwag umupo nang malapit sa speaker ng concert. Napakalakas ang tinig sa mga concert. Ayon sa pagsusuri, kapag matagal kang makinig ng tinig na lampas sa 85 decibels, puwedeng masira ang iyong pandinig. Ang tinig naman na 140 decibels, tulad ng tunog ng baril sa malapitan, ay agad na makasisira ng pandinig. Umiwas sa mga tinig na lampas 85 decibels.
4. Huwag maglagay ng kahit anong bagay sa loob ng iyong tainga. Huwag gumamit ng cotton buds o toothpick para linisin ang tainga.
5. Ngumuya ng chewing gum kapag nasa eroplano. Kung paak-yat kayo ng Baguio o pababa sa Maynila, mag-chewing gum din para mabawasan ang hangin sa tainga.
6. Mag-ingat sa pag gamit ng headphones at earphones. May mga impeksyon dito na puwedeng pumasok sa iyong tainga.