“Dear Dr. Elicaño, mayroon akong nabasang artikulo na ang hindi raw maayos o ang masyadong masikip na pustiso ay nagiging dahilan ng cancer sa cheek at palate? Gaano po katotoo ito at paano nangyayari ito?” —MELBA R. SANTOS, Parañaque City
Totoo na nagiging dahilan ng cancer sa cheek at palate ang hindi maayos na pagkakalagay ng pustiso. Nangyayari ito kapag sobra na ang irritation. Ipinapayo ko na kapag hindi maganda ang pagkakalagay o pagkaka-fit ng dentures, agad isangguni sa dentista at baka mauwi sa mas lalong malaking problema.
* * *
“Dr. Elicaño, gaano po katagal bago ang isang na-diagnosed na benign tumor ay maging cancer?” — CORAZON LINGA, Project 6, QC
Bihirang mangyari na ang na-diagnosed na benign tumor ay nagiging cancer, ganunman, may mga pagkakataon na possible itong mauwi sa cancer.
* * *
“Meron po bang mga tao na masyadong prone sa cancer kaysa ibang tao?” –CHITO SAPALLO, Makiling St., Sampaloc, Manila
Walang pag-aaral o basehan ukol sa pagkakaiba ng mga tao kapag tinamaan ng cancer. Mas binibigyan ng bigat ‘yung mga taong may relatives na nagkaroon ng cancer. Sila ang sinasabing prone sa cancer.