MAARING hindi masyadong matunog ang pangalan ni Bam Aquino bilang TV host pero matalino siyang bata. Pinsan siya ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino.
Binigyan na umano siya ng blessing ni P-Noy na tumakbo sa 2013 senatorial election. Ayon sa naba-balitaan ko, malamang na ang pagpasok niya sa ticket ng Liberal Party. Pero may “K’ nga ba siyang tumakbo? Sino ba siya?
Si Bam ay anak ni Paul Aquino, bunsong kapatid ng pinaslang na senador Benigno “Ninoy”Aquino. Pamangkin din siya ng mga dating senador Butz Aquino at Tessie Aquino-Oreta. Halos carbon copy ni Ninoy si Bam hindi lamang sa hitsura kundi pati sa tindig, pagkilos at rapid-fire na pagsasalita.
Sa edad na 35, di matatawaran ang kanyang scholastic, civic at entrepreneurial credentials. Siya ay summa cum laude graduate ng management engineering sa Ateneo de Manila University na doo’y nagtapos din ng grade school at high school bilang valedictorian. Hindi pa siya tumakbo sa anumang public office. Nuong 2001, nahirang siya ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang Commissioner ng National Youth Commission of the Philippines (NYCP). Naging chairman siya ng Commission nuong Feb. 2003.
At alam ba ninyo na sa edad na 11 si Bam ay nasa- bak na sa pulitika bilang “front act” speaker sa rallies nang tumatakbo si Tita Cory laban kay dating Pangulong Marcos sa 1983 snap eleksyon. Sumabak din siya sa senatorial campaign ng Lakas-Laban Coalition nuong 1987.
Noong 2006 itinatag niya kasama ang kaibigang si Mark Ruiz — ang Hapinoy Community program na naglalayon tulungan ang mga may-ari ng mga sari-sari store na paunlarin ang kanilang negosyo. Sa buong kapuluan, mayroon nang 150 Hapinoy Commmunity Stores. Umani na ng papuri at parangal ang programang ito ni Bam sa maraming bansa sa mundo.
Dahilan ito kung kaya nahirang siyang isa sa Philippine Jaycees 10 Outstan-ding Young Men (TOYM) sa category ng Social Enterprise at Community Deve-lopment nuong 2010.