Ambush me scenario vs Lim

MAY gimik na niluluto daw ang mga kalaban ni Manila Mayor Fred Lim sa politics kaya naman pumutok ang isang infromation na may ‘ambush me’ scenario pinaplantsa ang mga kamote para kung may mangyari ay isisi o ituro ito na gawa ng Alkalde.

Ang problema nga lang ay sumingaw ang impormasyon dahil may nagtsutsu at nakarating kay Ric de Guzman, chief of staff at media bureau director sa cityhall kaya naman bantay sarado sila sa mga kamoteng gagawa ng gimik.

Sabi ni Ric sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins muna nila ibubulgar ang mga pangalan ng mga taong nag-drawing sa ‘ambush me’ scenario dahil pinatitiktikan niya itong mabuti.

Ayon kay Ric, layunin ng ‘ambush me’ plot na magsil­bing ‘sequel’ o karugtong ng mga bantang bunga ng imahinasyon na sinasabing ginawa ni Lim laban sa ilang pulitiko.

Kaya naman nagpa-blotter ang grupo ni Isko at mga kaal­yadong konsehal nito para isumbong sa Manila Police District si Lim sa mga pagbabanta daw nito laban sa kanila.

Halos sumakit ang tiyan ni Lim sa katatawa matapos niyang mabalitaan na pinagbibintangan siya ni Isko ayon sa una isa lang itong gimik para mapag-usapan sila at isa rin `diversionary tactic,’ na ang layunin ay ilayo ang attention ng madlang public sa kabiguan ng mga ito na ilabas ang kanilang mga consultant, mga researcher at mga casual pati na ang kanilang personal data sheets at patunayan na ang mga kawaning ito ay tunay.

Kuento ni Lim sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinisikap niyang tanggalin ang mga ‘ghost employee’ sa Manila City Hall.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos ang usapin tungkol sa ‘multo’ may lumabas naman pekeng press release at ito ay ibinibintang kay Fred kaya naman pina-iimbestigahan ng mga kaalyado nito ang pinanggalingan ng kasinungaling na PR na lumabas sa media.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ganitong pangyayari ay malinaw na indikasyon na natataranta at desperado nang talaga ang mga kalaban ni Fred sa politics kahit malayo pa ang election.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung patas ang election next year tiyak mahihirapan ang mga kalaban ni Fred na talunin ito sa Maynila.

Abangan.

Show comments