MULI na namang pinatunayan ng mga Pinoy sa buong mundo na mayroong kakayahan upang iiangat ang katayuan sa pangangalaga sa kapaligiran. Nabigyan ng 100% perfect score ang Pilipinas dahil sa limang kadahilanan: 1) Pagprotekta sa kagubatan; 2) Pagpapalago ng forest stock; 3) CO2 per capita (for increasing carbon sequestration by growing forest); 4) Agricultural subsidies sa magsasaka at 5) Pagpapababa ng outdoor air pollution.
Walang kaduda-duda na tinanghal ito sa 2012 Environmental Performance Index (EPI). Malinaw na ang pagkumpirma ng Pilipinas sa EPI ay dahil sa pagsusulong ni President Noynoy Aquino sa Environmental Policies. Mula sa dating ranggong 50 noong 2010, umakyat ang Pilipinas sa 42 ngayong 2012. Sa 132 bansa, naungusan ng Pilipinas ang Australia na nasa ranggong 48, United States (49), Singapore (52), at Israel (61) na lahat ay nasa “modest performer” category.
Naging basehan ng pag-aaral ng EPI ang mga sumusunod:
Log ban — Nag-isyu ng nationwide total log ban si President Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 23 noong February 2011 at ibinawal ang pagtotroso sa lahat ng natural at residual forest ng bansa. Nilikha rin ang National Anti-Illegal Logging Task Force na pinamumunuan ng DENR. May 13.3 milyong board feet ng ilegal na troso ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P330 milyon.
Nakapagsampa rin ang DENR ng 328 kaso kung saan 57 na ang nahatulan. Ang mga nakumpiskang troso ay ginawang silya at ibinigay sa Department of Education. Itoy upang punan ang kakulangan ng mga gamit sa mga silid aralan na mas kailangan ngayon ng mga estud-yante. Sa kasalukuyan, 73,710 armchairs para sa 1,638 classrooms, 8,737 desks at 2,208 iba pang furnitures na pang-eskuwelahan ang naipagawa at 378 school buildings na ang na-repair. (Itutuloy)