NAGSALITA na rin ang Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) tungkol dito ke Maria Cristina Rodriguez, ang ugat ng raid na isinagawa ng Intelligence Group (IG) ng PNP at Regional Special Operations Group (RSOG) at PRO4-A sa opisina ng Batangas CIDG. Sinabi ng AIDSOTF na itong si Rodriguez ay isang hardcore drug pusher at miembro ng Chen drug syndicate. Sinabi ni Sr. Supt. Prudencio Tom Banas sa kanyang report na itong si Rodriguez at mga kapamilya niya ay naaresto ng AIDSOTF noong 2006 sa isang buy-bust operation sa Pasay City. Si Rodriguez ay na-rescue ng IG, RSOG at PRO4-A sa isang raid noong Abril 20 sa Batangas CIDG office bunga sa sumbong ng una na kidnapping at P1 milyon extortion. Sa tinuran ng AIDSOTF, kasama ang pag-amin ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 4-A na lehitimo o aboveboard ang operation ng Batangas CIDG laban ke Rodriguez, si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang naiwan sa kangkungan. Na- WOW mali si Bartolome, di ba mga suki?
Sa report ni Banas, itong si Rodriguez, kasama ang nakakabatang kapatid na si Necel Rodriguez-Chen, at ang tiyahing si Erlinda Francisco ay naaresto sa isang buy-bust operation sa Pasay City noong July 16,2006 at nakumpiskahan ng halos 300 gramo ng shabu. Ang asawa ni Necel na si Li Sui Chen, ay isang drug lord na kasalukuyang nakakulong. Itong si Necel ang itinuturo ni Eduardo Villena, na siyang tumatayong abogado ni Chief Insp. Jay Agcaoile at mga tauhan, na siyang nag- suplong sa IG tungkol sa kidnapping at extortion try ke Maria Cristina. Itong IG naman ay nilunok ang sumbong ni Necel “line, hook and sinker”, imbes na i-validate muna ito at isubo ke Gen. Bartolome. Kaya’t hayun, napahiya ang PNP chief natin. Dapat lang siguro na sibakin ni Gen. Bartolome itong si Calima dahil unang salang pa lang eh palpak na. Imbes na habulin ang mga bigtime kriminal o terorista na namumugad sa bansa, eh ang lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords, beerhouse at nightclub owners, at iba pang mga illegal ang inuuna niya. Gusto rin pala ni Calima na mapuno ang bulsa niya ng pitsa, di ba mga suki?
Ang tanong sa ngayon ng mga pulis-Maynila na nakausap ko, saan na sa ngayon itong si Maria Cristina. Matapos ma-rescue kasi ng mga “bataan” ni Gen. Bartolome, naglaho siyang parang bula. Siguro nagpapalakpakan na sa tuwa sa ngayon itong pamilya ni Maria Cristina bunga sa dahil sa kanya, nag-aaway na itong sina Gen. Bartolome at CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr. Bakit kaya hindi magkaayos itong sina Bartolome at Pagdilao? Me namumuo kayang professional jealousy sa dalawa?
No sa tingin n’yo mga suki?
Abangan!