The Bill

SA column na ito, imbes na public official ang aking susu­riin, ang pag-aaralan ko ay ang panukala ng kila-lang mambabatas at kung ito’y epektibong solusyon sa suliraning tinutukoy.

Ang isa sa pinaka-garapal na abuso ng kapangyarihan sa pamahalaan ay ang walang pakundangang pagtatalaga ng presidente ng mga Presidential appointee na hindi naman makapasa-pasa sa basbas ng Commission on Appointments (CA).

Naisulat ko na dati na noong panahon ng ating mga ninuno, kapag hindi ka sang-ayunan ng CA, hindi ka na ipipilit ng presidente. Por delicadeza. Hindi tama na ang Cabinet members ay patuloy na lumulustay ng pondo ng publiko sa kabila ng pag-reject sa kanila ng mga representante ng publiko.

Dahil dito ay nai-file noong 2009 ang Senate Bill 1719. Ayon sa explanatory note nito: “The intent of the framers of the Constitution in creating the Commission on Appointments was to provide an effective check and balance mechanism between the executive and legislative branch of government. The act of the President in successively re-appointing by-passed nominees is a clear mockery of the above mentioned principle enshrined in our fundamental law.”

Ang ginawang solusyon ng nagpanukala nitong Se-nate Bill ay nakasaad sa sumusunod na probisyon: “Sec. 5. Ineligibility of Nominee. — Nominees by-passed for three (3) consecutive instances shall be declared as “ineligible”by the Commission on Appointments” at Sec. 6. Effect of the Ineligibility of the Nominee. Any nominee declared Ineligible by the Commission on Appointments under this Act shall be barred from being re-appointed or appointed by the same President to any of the positions provided under Article VII, Section 16 of the Constitution.

Malinaw na buo at malakas ang paniwala ng may akda ng Senate Bill 1719 na abuso sa kapangyarihan ng isang presidente at pagdisrespeto sa CA ang ganitong gawain ng noo’y President Gloria M. Arroyo. Ang may akda ay walang iba kung hindi si noo’y senador at ngayo’y President Noynoy Aquino.

Ang posisyon ni P-Noy sa re­ap­point­ment of bypassed officials ay alam ng lahat at nagsisilbing paman­tayan sa kung ano ang kanyang ikikilos kapag ang sarili niyang mga nominado ay paulit na ma-bypass ng CA.

Show comments