Kung napapansin niyo nitong nakaraang mga buwan na tila dumadami ang mga foreigner sa kapaligiran, huwag kayong magugulat. Dumadami nga ang mga turistang bumibisita sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon sa ating kasaysayan ay pumalo ng higit 400,000 ang tourist arri-vals sa isang buwan. Naganap ito sa January kung saan 411,064 foreigner ang dumating. Improvement ng 17.5% mula sa 349,713 nung Enero ng 2011.
Last year ay mahigit kumulang 4 Million tourists ang bumisita sa atin. Improvement ito sa 3.6 Million ng 2010 subalit napakalayo pa sa turismo ng ibang karatig bansa: Singapore (11.6 million visitors sa 2010), Indonesia (7 million), Thailand 15.8 million), Malaysia (24.5 million) and Vietnam (5 million). Kung mapanatili sana natin ang kulang kulang 17.5% increase sa bisita natin, mabilis natin mahihigitan ang tinatarget na 6 Million sa 2016 at baka kayanin pa ang minimithing 10 Million visitors.
Matutupad lamang ang pangarap na ito kung siryosohin ang ating plano at programa sa turismo. Walang dahilan kung bakit hindi tayo magwawagi gayong, higit pa sa ibang bansa sa Southeast Asia, nasa atin ang mga katangiang hinahanap sa isang tourist destination. Sabi nga ni Cong. Amado Bagatsing, hindi natin napipiga ang sumusunod na competitive advantages: 1) Filipino Hospitality; 2) English-speaking population which allows easier communication; 3) interesting cultural resources; 4) rich natural resources; 5) and low cost of living.
Ginaganahan na ng husto ang ating Tourism officials – hindi pa man daw nag-uumpisa ang “More Fun in the Philippines” na brand campaign ng DOT ay tumatabo na. Pero huwag silang makampante at marami pang balakid na kailangang malampasan. Una ang Airport – ang unang mukhang bubulaga sa bisita at huling makikita bago umalis. Oras na talaga para gawing mas propesyonal ang palakad nito. Pangalawa ang mga buwis na pinapataw sa mga foreign airlines na naging sanhi ng kanilang pag-pull out. Sa ngayon, halimbawa, wala nang fo-reign airline company na may direct flight mula Europe tungong Pilipinas. Pangatlo ay ang seguridad at kaligtasan ng mga turista.
Kahit ito lang tatlo muna ang unahin ay tiyak mapapabilis na ang dagsa ng turista na makakatulong sa lalong ikasisikat at ikauunlad ng bansa.