THIS coming Monday, March 5, 2012 at 6pm, ibubuhos ng mga bagong hangal este mali halal na opisyal ng KAMANAVA Travelers Club Inc., ang kanilang salapi este mali pagmamahal pala sa mga dadalong brethren ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines.
Ang ika- 15 Installation of officers ng KAMANAVA Club Inc., ay dadaluhan ni RW Juanito ‘Jun’ Espino Jr., SGW, bilang guest of honor and speaker kasama si Regine Tolentino na magbibigay ng isang inspirational talk sa mga bisitang pupunta.
Ang mga bagong opisyal ng KAMANAVA Club Inc., ay sina Joselito A. Cometa, panggulo este mali pangulo pala, Dave E. Maniquis, VP - Kalookan, Romualdo A. Ditangco, VP - Malabon, Ronillo H. dela Rama, VP - Navotas, Jhay - R D. Ochoada, VP - Valenzuela, Mariano K. Lee, Treasurer, Arnulfo Macatangay, Secretary, Edgar D. Lim, Auditor, Eric A. Rodriguez, PRO at Enrique L. Flores Jr., Adviser.
Si VW Emmanuel ‘Manny’ Bravo ang Master of Ceremonies.
Pinaaalala lamang ni Joey Cometa ang kanilang pangulo na huwag kalimutan magdala ng mga plastic o supot para sa mga matitirang pagkain.
Sa Causeway Resto Banawe St., del Monte, QC, gagawin ang lapangan.
Mga kuyang huwag na hindi kayo pupunta!
Solid Broadband Corporation
DAPAT ang customer ang siyang sinusuyo at hindi pinagtataasan ng boses o kaya pinagagalitan.
Sabi nga, customer is always right pagdating sa usapin negosyo!
May hindi magandang naranasan ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang ‘Leah Cayabang’ ng tawagan nito ang bebot na empleado ng Solid Broadcasting Corporation dyan sa may Welcome Rotanda, Kyusi, para ipagbigay alam na ang internet niya after payment ay hindi pa nagpa-function ng maayos.
Kaya ito pinamamadali ayusin ay dahil kailangan ng mga anak niyang students para sa research work sa school.
Imbes na tulungan ang pobreng alindahaw ay kung anu-anong salita pa ang pinagsasabi ni Leah sa customer nila.
Ano ba iyan?
Siguro dapat magkaroon ng orientation ang pamunuan ng Solid Broadcasting Corporation dyan sa Makati City, para turuan ng ‘good manners and right conduct’ si Leah.
Abangan.
Mahal na!
DAHIL busy sa pakikinig ng impeahment trial ang madlang people sa Philippines my Philippines kasama rito ang malakanin este mali Malacañang pala bumulusok pataas ang presyo ng lahat ng bilihin.
Hindi makontrol ng gobierno ang walang humpay na pagtaas weekly ng halaga ng presyo ng mga produkto ng gasolina kaya naman sangkatutak na madlang pinoy ang umaaray sa ngayon.
Tiyak ang nangyayaring ito ay magbo-boomerang sa lahat ng klase ng bilihin kasama ang tuition fee, pagkain at malaman pamasahe.
Abangan ang mga susunod na kabanata at paghihirap pa ng madlang pinoy.