ISANG linggo pa lamang ang nakakalipas matapos ipa-sara ng Manila City Hall Bureau of Permits ang Yes, Jaca at Sight and Shot Billiards sa U-belt, bukas na naman ang mga hinayupak!
Dinedma, binalewala at binastardo ang kautusan ng Manila City Hall na ipasara ang kanilang mga negosyo dahil sa paglabag nito sa batas ng Lungsod.
Ito ‘yung pagbabawal na magbigay ng mga nakalala-sing na inumin sa mga estudyante, pagpapapasok sa mga ito suot ang kanilang mga uniporme at ilang metrong layo mula sa mga kolehiyo’t eskuwelahan.
Senyales ba ito ng kawalang pangil ng Manila City Hall sa kanilang mga nasasakupan? Harap-harapang pambabastos ang ipinapakita ng mga nabanggit na establisimentong ito.
Agad tinawagan ng BITAG ang Bureau of Permits Chief ng Maynila na si Nelson Alivio. Nangako ito na bago mag-Biyernes, hindi na mag-o-operate pa ang mga inuman at bilyaran na tambayan ng mga estudyante sa U-belt.
Hindi na magtataka ang BITAG sa lakas ng loob ng mga nagmamay-ari ng mga lungga ng bisyo’t kalokohan na ito ng mga estudyante dahil ang kapitan mismo ng barangay sa lugar, sa mismong building ng mga bilyaran naka-opisina.
Ang may-ari ng gusali kung saan naroon ang mga bilyaran, “boss” ni Kapitan! Hindi magkamayaw ito sa pagsagot sa telepono habang kausap ang BITAG.
Tila nalito si Kapi-tan sa kaniyang posisyon bilang building administrator at bara-ngay chairman.
Kaya naman hindi na niya nagampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama ng barangay. Hina-yaan lamang ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang kalokohan sa oras ng kanilang pag-aaral.
Ang resulta, si Kapitan, napilitang ma-ngaral sa mga menor de-edad na estud-yanteng naabutan ng BITAG sa loob ng mga bilyaran.
Ang dahilan ng mu-ling pagpapasara sa mga lungga ng bisyo’t kalokohan. Panoorin sa BITAG mamayang gabi sa TV 5, alas-10:15 ng gabi.