Pambubugbog, pagpapakulong at pagbabanta ang sumbong ng isang ginang na purok leader sa Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang kanyang inirereklamo, ang kanilang barangay chairman na si Mario Batuigas ng Barangay Rancho 3.
Paika-ikang dumating sa aming tanggapan ang biktima, dalawang linggo na ang nakararaan, araw ng Miyerkules, people’s day ng BITAG.
Ang dahilan, malalaking pasa at sugat sa kanyang ba-lakang, likod at braso. Tanda ng matinding pambubugbog.
Ayon sa ginang, binatuta raw siya ni Kap. Kasama ang ilang kapitbahay, ipinakita nila sa BITAG kung paanong simulang harangin ng mga tauhan umano ni Chairman Batuigas hanggang sa pagtulungang bugbugin ito.
Hindi nakita sa video ang aktuwal na pananakit ni Kapitan subalit maririnig sa reaksiyon ng mga mirong nanonood sa away ang pagkagulat ng saktan ni Kap ang biktima.
Ang posibleng dahilan umano ng galit ni Kapitan sa ginang, ang trabaho ng biktima bilang purok leader ng kanilang barangay.
Isa umano sa kanyang trabaho ay ang pakinggan ang maliliit na problema ng kanyang lugar na nasasakupan.
Masugid ding taga-suporta ni San Jose Del Monte Bulacan Mayor Rey San Pedro ang biktima. Kaya’t usap-usapan sa barangay na mas maraming nareresolbang problema ang ginang na purok leader.
Ilang BITAG undercover ang pinalakad ng BITAG upang makumpirma ang sumbong ng ginang. Nagpanggap ang mga ito na estudyante sa kolehiyo.
Pumayag mag-interview ang inirereklamong Kapitan. Sa harap ng camera, sinabi nito na hindi dapat nananakit ang mga barangay chairman na katulad niya.
Itinanggi ni Kap ang rekla mong pambubugbog. Subalit inamin nitong pi- naaresto niya at ipinakulong ang biktima sa kasong direct assault.
Ginawa lamang daw niya ang kanyang tungkulin dahil nang umawat siya sa away ng mga ito, siya raw ang kinalmot at sinaktan ng ginang.
Kap, naririnig mo ba ang sinabi mo? Nandoon noong mga oras na iyon ang iyong mga tanod, ibig mong sabihin isa laban sa marami at kayo pa ang nasaktan?
Baka naman naabuso mo rin ang iyong kapangyarihan bilang Kapitan? Delikado yan, Kap!
Ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito, abangan nga-yong Biyernes, alas 9 ng gabi sa TV5!