ABrother Gus Boquer: Inspirasyon sa De La Salle

MAYROON akong tao na ipakikilala sa inyo na personal kong naging inspirasyon sa buhay. Marami na akong nakilala na mga sikat na pulitiko, negosyante at Taipans, pero kakaiba ang bait at galing ni Brother Gus Boquer. Para bang nakakita ako ng santo sa tunay na buhay!

Si Brother Gus ay isang miyembro ng tanyag na De La Salle Brothers. Noong bata pa siya, ang nais lang ni Brother Gus ay magsilbi sa Diyos. Pero ang tadhana niya ay nilinya siya sa edukasyon.

Noong 1981, kumuha siya ng Masters degree in Educational Leadership sa St. Mary’s College of California, USA. At pagkatapos ay nag-aral siya ng Doctor of Education sa University of De La Salle, Bacolod City.

Napakaraming parangal na ang naibigay kay Brother Gus. Noong 1999 hanggang 2007, nagsilbi siya bilang Presidente ng University of St. La Salle sa Bacolod City. At dahil sa kanyang malaking kontribusyon dito, minarapat ng De La Salle Brothers na ilagay siya bilang Presidente ng De La Salle University Health Science Institute sa Dasmariñas, Cavite.

At hindi lang iyan, dahil sa kanyang bait at charisma, ginawa siyang lider ng One La Salle Fund na nais lumikom ng kontribusyon para sa scholars ng buong La Salle community sa Pilipinas. Dahil tiwala sa kanya ang tao, malaki na ang nalikom ni Brother Gus para sa pagtayo ng mga gusali, pagpapaaral ng scholars at pagpapagamot sa mahihirap.

Grabe ang galing ni Brother Gus. Dapat ay minsan mong makilala at makausap siya. Kaya kung may kamag-anak kayong balak mag-nars o mag-doktor, mag-enroll na po sa De La Salle Health Science Institute (DLS-HSI) sa Dasmariñas Cavite. Ang website ng DLS-HSI ay www.hsc.dlsu. edu.ph. Puwedeng tuma­wag sa (046) 416-1234.

Sumulat din si Brother Gus ng isang libro, “Lessons I’ve Learned,” na nag­ bibigay ng kanyang mga payo sa ibang mga pinuno.

Kung gagawa ng importanteng desisyon, ma-ging flexible para mapagbigyan ang lahat ng sector. Huwag magmadali sa desisyon. Dahan-dahan lang para hindi magsisi.

Ayusin ang problema habang maliit pa ito. Ka­usapin ang mga tao. Mag­hanap ng “win-win” na solusyon.

Kapag ika’y nahaharap sa tukso, isipin kung paano haharapin ni Jesus ang problema. Ano ang gagawin ni Lord sa ganitong sitwasyon.

Ang lider ay may pana­naw sa kinabukasan ng organisasyon. Marunong siyang magbigay insp­i­ras­­yon at maglikom ng do­nasyon para sa eskw­e­lahan.

Sa susunod ay ibabahagi ko ang iba pang payo ni Brother Gus.

Abangan!

Show comments