Ang pagbaba ng unemployment rate

NAPAGKUWENTUHAN namin ng aking anak na si Se-nate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang ulat na bumaba ang unemployment rate. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), 41.2 mil-yong Pilipino na nasa working age ang bumubuo ng labor force ng bansa. Ngayong 2011 umano ay bumaba sa 6.4 porsiyento na lang ng labor force ang hindi nakakukuha ng trabaho. Ito raw ang pinakamababang naging unemployment rate sa loob ng nagdaang apat na taon.

Ito umano ay resulta ng matagumpay na paglikha ng 2.1 milyong bagong trabaho sa nagdaang Oktubre 2010-2011 na mahigit pa sa doble ng job creation noong 2009 hanggang 2010 na umabot lang sa isang milyon.

Pero ayon sa ilang ekonomista, malaking porsiyento ng mga nalikhang bagong trabaho ay part-time lang, hindi permanente o kaya ay napakaliit ng suweldo, kundi man allowance lang ang natatanggap ng naging empleyado laluna sa kategoryang “unpaid work in family businesses.”

Dumarami rin umano ang mga pamilyang Pilipino na kailangang dalawa hanggang tatlong family members   ang maghanapbuhay dahil kung ang tatay lang ang magtatrabaho hindi sasapat ang suweldo kahit sa pag-       kain nila sa araw-araw.

Hindi rin umano akma ang mga nalilikhang trabaho para mapaunlad ang buhay ng mga manggagawa kaya’t marami ang naghahanap ng overseas employment kung saan ay “greener pastures” ang kanilang natatanaw. Ayon kay Jinggoy, kailangang isagawa ang masusing pag-aaral, pagpaplano at implementasyon ng komprehensibong programa hinggil sa paggawa sa ating bansa.

Kaugnay nito ay ipinupursige niya ang: 1.) pag-amyen­da sa Labor Code na naglalayong “to update, unify and simplify government policies on labor, employment and human resource deve-lopment; 2.) pagsasaayos ng regional wage boards; at 3.) pagpapahusay ng sistema sa pagresolba sa mga problema at sigalot sa paggawa.

Show comments