Dr. Ted Martin at Dr. Jun Cando

PINASASALAMATAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Dr. Martin, director dyan ng Mother and Child/Jose Abad Santos hospital at Dr,. Cando, director ng Ospital ng Tondo sa ginawang tulong sa mga kasangga ng kuwago.

Pinasasalamatan din ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Manila Mayor Alfredo Lim, sa mga tulong nito at hindi siya nagkamali sa pagpili kina Dr. Martin at Dr. Cando na pangasiwaan ang kanyang ospital.

Natutuwa tayo ng marinig sa mga kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ang mga medical staff sa mga nasabing ospital ay mababait at makatao kasi alam nila kung paano bigyan halaga ang mga mahihirap na pasyente na nagtutungo sa kanila para magpagamot.

Sabi nga, hindi katulad ng ibang kamote sa ibang ospital na walang mga silbi, salbahe, arogante, at mapag-mata.

Muli nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO kasama na ang Chief Kuwago kina Mayor Lim, Dr. Martin, Dr. Cando at ang mga medical staff ng mga nasabing ospital.

Sabi nga, keep up the good work Docs!

Super delicious sa ESARGEE Country chicken

TODAY at 10:30 am pasisinayahan at bubuksan sa madlang public ang ESARGEE Country Chicken, ang masarap na tsibugan dyan sa Unit 28 Mintcor Townhomes, West Service Road, Cupang, Muntinlupa City, para matikman na ninyo ang ipinagmamalaki ni Atty. Silverio “Biong’ Garing, ang kanyang specialty na roasted chicken at pork liempo.

Sabi nga, hindi biro ang lasa dahil malinamnam at napakalinamnam kasi ibang klase ito!

Ika nga, super delicious!

Trusted ni Gov. Tallado, buhay

INUPAKAN si retired PNP SPO2 Roni Bardon, the other week dyan sa isang place sa Daet, Camarines Norte, isa sa bumanat ay natigok ng mabaril ni Roni.

Nagtamo si Roni ng slight injury sa ulo at balikat mula sa gunmen ok na ito matapos magamot sa ospital.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala si Roni ang binanatan dito kundi maging ang kanyang friend na si SPO1 Mario Javier.

Ang nakakalungkot lang ay natigok si Mario kaya para sa mga tumira tuwang-tuwa sila sa galak ng mapatay nila ito last 2008.

Ano ang dahilan ng tambangan blues?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi kasi ang illegal logging sa probinsiya, ang mining, droga, sugalan echetera.

May apat na rakpadudels ang nawala sa probinsiya dahil sa takot na matira sila ng mga gunmen dito.

‘Mahigpit siguro sina Roni kaya binakbakan sila ng grupo ng mga tirador?’ Sabi ng kuwagong pinahihirapan sa pangingikil.

‘Malalim ang usapin ito kaya dapat kalkalin mabuti’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Ano kaya ang masasabi ni Gov. Tallado tungkol sa mga nangyayari dyan sa kanyang probinsiya?’

‘Bibigyan ng space sa kolum ng Chief Kuwago si Gov. para malaman ng madlang public kung ano talaga ang milagro dyan kung mayroon man’

‘Baka hindi alam ni Governor ang nangyayari?’

Abangan.

Supreme Court lang!

HINDI maganda ang nangyayari sa dalawang kampong nag­tatalo o nag-lalaban sa pagitan ng mga kaalyado ni P. Noy partikular si DOJ Secretary Leila de Lima at siempre ang grupo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ang isyung pinagtatalunan ay kung papayagan bang umalis o hindi si CGMA para magpagamot sa aboard este mali abroad pala.

May punto ang magkabilang panig walang kinakampihan ang mga kuwago ng ORA MISMO, kaya mas mainam ang Supreme Court na lamang ang magsalita at humatol kung dapat ba o hindi umalis para magpagamot sa abroad si CGMA.

Abangan, ang kapanapanabik na kabanatang ito.

Sabi nga, huwag tantatan.

Ika nga, hintayain!

Show comments