Sa Diyos at kay Cesar

SABI ng Panginoon kay Ciro na hinirang Niyang maging hari ng Israel: “Ako lamang ang Diyos at wala nang iba”. Nagpakilala ang Diyos kay Ciro, binigyan siya ng kapangyarihan at malaking karangalan.. “Dakilang kapangyarihan ng Panginoo’y idangal”.

Tayong mga pinagpapala ng Diyos ay dapat gunitain ang bunga ng ating pananampalatya sa Kanya sa wagas na pag-ibig at matibay na pag-asa. Sa kabila ng kabutihan ni Hesus sa mga Hudio ay hindi matanggap ng mga Pariseo. Sa halip na pasasalamat sa mga himala, pagpapagaling sa mga may sakit at pag-ibig Niya ay pinag-uusapan pa nila kung paano masisilo si Hesus sa Kanyang pananalita. Sinubukan nila si Hesus: “Naayon ba sa kautusan na bumuwis sa Cesar o hindi”. Sapagka’t alam ni Hesus ang kanilang masamang layon upang siluin Siya tungkol sa pagbibigay ng buwis na wala sa utos ng mga Hudio kundi pawang sa Emperador ng Roma na sumakop sa kanila, kaya’t sa ibinibgay nilang denaryo kay Hesus ay maliwa-    nag na tinanong Niya ang mga Pariseo: “Kaninong larawan at pangalan ang naka-ukit dito?” “Sa Cesar po” tugon nila at sinabi Niya sa kanila “Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar at sa Diyos ang sa Diyos.”

Tanungin din natin ang ating sarili. Ibinibigay ba natin ang tamang buwis sa ating gobierno at ibinibigay ba natin sa Diyos ang ating lubusang pagsamba, pagpupuri at paghingi ng kapatawaran sa Kanya? Tamang buwis ba ang ating isinusulit sa Bureau of Internal Revenue (BIR) o baka naman para makaiwas sa malaking halaga ng pera na ating ibabayad ay ito ang ating nilalapitan BIR (Bigay Ikaw Regalo).

Sa ating simbahan naibibigay ba natin ang abuloy ayon sa ating kinikita? Sa mga katoliko sa America ay meron na silang mga sobre na nilalagyan ng kanilang tulong sa kanilang simbahan 10% or more ayon sa kanilang sweldo o kinikita. Noong bago pa ako sa simbahang aking pinaglingkuran sa St. Mary’s Church, National City, Ca. Tuwang-tuwa ako sapagka’t napaka-bigat ng mga collection basket. Sabi ko sa Pastor: “Fr. Bill we got so many collection today”. Sagot niya: “O yea because its so heavy, you know many Filipinos come to this church with all their coins”. Napahiya ako. Dagdag pa niya: “Tell them, this we is America, use bills in supporting the church. That’s why my name is Fr. Bill”.

Isaias 45:1, 4-6; Salmo 95; 1Tesalonica 1:1-5b at Mt 22:15-21

Show comments