MARAMI pang tulong ang kailangan ng mga nabiktima ng nagdaang mga bagyo upang makabangon. Ito ang sinabi ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Noong nakaraang Martes, bumisita si Jinggoy sa Pampanga kasama ang ilang staff. Ang Pampanga ay isa sa matinding nasalanta ng baha nang manalasa ang mga bagyong “Pedring” at “Quiel.” Nakausap ni Jinggoy si Pampanga governor Lilia Pineda.
Ayon kay Pineda, iyon daw ang pinakamalaking baha sa kanilang probinsya. Tinungo nina Jinggoy at Pineda ang Macabebe kung saan, kasama si Mayor Annette Balgan, ay namahagi sila ng bigas, canned goods at iba pang pagkain. Umabot sa mahigit isang libong residente ng munisipyo ang nakatanggap ng tulong. Lahat ng 25 barangay sa Macabebe ay naapektuhan ng pagbaha.
Una rito, inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pampanga na masyado silang naaalarma dahil napakatagal umanong humupa ng baha. Kahit mahigit dalawang linggo na ang nakararaan mula nang bumagyo, marami pa ring lugar ang nananatiling lubog sa baha. Samantala, nagsagawa rin si President Erap ng relief mission sa mga nasalanta ng kalamidad sa Baseco, Tondo.
* * *
Happy Birthday: Capiz Governor Victor Tanco Sr. (October 15) at kanyang maybahay na si Gng. Fatima Lademora; Bukas, October 16, dating senator Heher-son Alvarez, Antique Gov. Exequiel Javier, kasamang magdiriwang ang kanyang maybahay na si Elizabeth Sales Javier.