Huwag bayaang mahati ang Israel

KUNG ayaw nating mahati ang Mindanao, di rin natin dapat payagang mahati ang Israel. Siguro tatanungin ninyo: Ano’ng pakialam ng Pilipinas sa Israel? Malaki po. Sisikapin ko itong maipaliwanag.

Nanawagan kahapon ang mga Christian leaders kay Presidente Noynoy Aquino na tutulan ang panukala sa United Nations para sa pagtatatag ng kahiwalay na Palestinian state sa Israel. Nangunguna sa mga umapela sa Pangulo ang Christian leader na si Bro. Eddie Villa­nueva. Nanawagan din sila sa Pangulo na manalangin at humingi ng gabay sa Diyos sa ano mang desisyon tungkol sa usapin.

Noong dekada 40, ang Pilipinas ang naging tie-breaker sa botohan sa pagkilala sa pagka-bansa ng Israel. Sabi ng Biblia, ang sino mang bansang magpapala sa Israel ay pagpapalain din ng Diyos pero ang sino mang susumpa rito ay susumpain din. (Genesis 12:3). Espesyal ang Israel sa mata ng Panginoon. Israel is God’s chosen nation.

Ganito ang bahagi ng sulat na ipinadala sa Pangulo: “We write you as concerned citizens of our country, known as the only Christian nation in Asia, over a crucial international development that needs your urgent attention.”

Pagbobotohan sa September 20 ng UN General Assembly ang paghati sa Israel upang magtatag ng Pales­tinian state. Pero ito ay salungat sa UN Security Resolutions 242 at 338 na gumagarantiya sa karapatan ng Israel na makipagnegosasyon sa mga isyu sa mga boundaries nito. Kung mahahati ang Israel, liliit ang bansang ito. Sa loob lang ng apat na minuto ay puwedeng umatake ang mga bomber planes ng mga terorista.

May matibay na relasyon ang Pilipinas at Israel. Kaya nga ang mga Pilipinong dumadalaw sa bansang ito ay walang visa requirement dahil tumatanaw ang Israel sa atin

ng utang na loob. Bilang mga Christiano, kinikilala natin na ang Panginoong Jesus ay isang Hudyo kaya dapat nating pagmalasakitan ang kanyang bansang sinilangan.

Noong 2005, ang Gaza strip ay ipinaubaya sa mga Palestino pero imbes na kapayapaan ang mangyari, ang lugar ay naging balwarte ng mga teroristang Hamas. Umaabot sa 12,000 missiles ang ipinaulan sa Israel sa loob ng 6 taon.

Noong panahon ni Presidente Quezon, pinayagan niya ang mga Jewish refugees na tumatakas sa pag-uusig ng mga Nazi noong World War I na manuluyan sa Pilipinas gayung maraming bansa ang nagtakwil sa kanila. Ang bagay na ito’y tinatanaw ng Israel na utang na loob. Kinilala tayo ng Israel bilang tanging gentile nation na kumandili sa mga taga Israel sa panahon ng kagipitan. Naniniwala ako na ang ano mang ibayong tulong pa natin ay kikilanlin ng Diyos at tayo’y pagpapalain. To God be the Glory!

Show comments