ATTN: FEU Law batch '91

IPINAAALALA ni Atty Silverio "Biyong" Garing, panggulo este mali pangulo pala sa FEU Law batch '91 na kanyang mga classmate na dumalo sa ika-20th Year class reunion ninyo sa Friday, Sept. 16 sa ganap na alas - 6pm sa Regal Pest Control Co. office, 50 San Roque St., Barangka Ylaya, Mandaluyong City harapan ng San Roque Church malapit sa Boni- Edsa.

Maraming tsibugan at pag-uusapan ang inyong batch. 

Sabi nga, punta na!

Maaring tawagan si Atty. Garing sa cell phone no. 0918- 474- 7427.

Congrats, Coach Allan Gregorio

MATAPOS ang 55 losing streak sa UAAP ng University of the Philippines Integrated School Jr. Maroons naipanalo ni Coach Allan Gregorio ang huling laban ng mga bata sa iskor na 73-71 kontra sa UE last Saturday afternoon sa isang overtime dyan sa Blue Eagle gym, sa Ateneo.

Kaya naman halos nabunutan ng tinik ang taga-  UPIS Jr. Maroons ng manalo sila .

Sabi nga, palakpakan at iyakan blues .

Mabuhay ka Coach Allan Gregorio, ang galing mo!

DOTC Sec. Mar Roxas, Your Honor!

DAPAT sigurong busisiin ng todo ni Secretary Roxas ang sinasabing anomalyang nangyari dyan sa Civil Aviation Authority of the Philippines dahil million of pesos ang nawala sa government of the Philippines my Philippines .

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may eroplano ang CAAP, KA 200 sinasabing ginastusan ng P50 million ng gobierno para ipa-overhaul sa Vanrmman company, Bangalor, India.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, unathorized repair station daw ito.

Bakit?

Sagot - ang authorized repair station daw ng makina nito para ipa-overhaul ay ang 'Pratt and Whitney.'

Ano ang nangyari?

Ayon hindi magamit at nakatiwang-wang sa kanilang hangar.

Sabi nga, pinatutubuan na lamang ng talaba ? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P2 million ang ginastos ng CAAP para ibili ng 'bible' na ipinamigay sa kanilang mga employees.

Naku ha!

Para ano?

Ika nga, bumait ang mga bugok? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng mga isinusumbong nila ay may paper trail kaya alaws itong lusot kaya ang dapat lamang gawin dito ni Sec.Roxas ay ipabungkal.

Abangan.

PPA-PMO Limay, Bataan (2)

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may panibagong 'magic' sa Philippine Ports Authority  PMO- Limay, Bataan?

Ano iyon? 

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol daw sa 'P14 million check'  refund money para sa Oil link company.

Siguro dapat ipabusisi ng husto ni DOTC Sec. Roxas ito kasi maraming alingasngas ang lumalabas kesyo hindi daw dapat ganoon kalaki ang presyo o refund na ibinayad sa company.

Ano kaya ang alam dito ni PM Gerry?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabing si RMD manager Efren Roberto pa daw ang kumuha ng tseke sa cashier?

Nakapirma pa si Roberto sa logbook?

Kanino kaya dinala ang tseke?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinigay daw kay PM Taguigui sa Manila?

Naku ha?

Totoo kaya ito?

DOTC Secretary Mar Roxas, take note si RMD manager Roberto, ay siya din resident Ombudsman ng PMO-Limay, Bataan.

Sana mabigyan linaw ang mga isyung ito dahil hindi natin tatantanan ang mga sinasabing nangyari sa PPA office sa PMO-Limay, Bataan, kung mayroon man. Secretary Roxas, Your Honor!

Abangan.

Show comments