KUNG talagang public service ang nasa isip ni Nor- thern Police District (NPD) director Chief Supt. Antonio Decano hinahamon ko siya na linisin ang mga beerhouse sa paligid ng Monumento sa Caloocan City. Kalat na kasi ang balita na ang mga beerhouse diyan ay pugad ng prostitution.
Ayon sa sumbong, marami sa mga kababaehan sa mga beerhouse ay menor de edad na ni-recruit sa probinsiya para magtrabaho sa Maynila. Subalit imbes na maa-yos na trabaho, GRO ang binagsakan nila. Totoo kaya ang sumbong sa akin na bina-bar fine pa ang mga menor-de-edad? Kapag nalinis ni Decano ang mga beerhouse, ibig sabihin hindi totoo ang bintang na protektado sila ng pulis sa NPD sa pangunguna ni PO3 Fernando “Jojo” Cruz Jr. Si Cruz na naka-assign sa District Special Operation Unit (DSOU) ang kolektor ng lingguhang intelihensiya ni Decano. Ano pa ang hinihintay mo, Gen. Decano?
Habang hindi kumikibo si Decano kay Cruz, nagpakalat naman ng sekreta si NCRPO chief Dir. Alan Purisima sa Camanava area. Ang mga sekreta ay armado ng vi-deo camera at hidden camera para kunan ng ebidensiya si Cruz na patuloy na nananalasa sa gambling lords at beerhouse joints. Mula nang maupo si Decano, doblado na ang lingguhang intelihensiya ng gambling lords at beerhouse operators kaalinsabay nito ang paglipana rin ng iba’t ibang uri ng kriminalidad kabilang na rito ang pamamayagpag ng mga kilabot na riding-in-tandem. Kaya’t madaling mabuo ni Cruz ang P300,000 para kay Decano, anang kausap ko sa Camanava.
Kung ginagastos lang sana ni Decano ang kapiranggot sa P300,000 niya, maaring mabawasan ang kriminalidad sa Camanava. Subalit kapag nasa bulsa na niya, hindi na ito mailalabas ni De-cano, na nagpapalamig lang sa kanyang opisina. Dumarami kasi ang bilang ng krimen na kinasang-kutan ng riding-in-tandem suspects sa Camanava area subalit walang ginagawa si Decano para masawata ito. Hindi rin gumagalaw ang mga bataan ni Decano dahil sa walang suportang pang-gasolina at meryenda sila. Nagyayabang din si Decano na may kausap siya sa media para i-delay ang mga birada laban sa kanya. Tingnan natin.
Noong nanumpa si Decano para maging ganap na pulis, ipinangako niya na palalaganapin ang public service. Pero sa tingin ng mga kausap ko, hindi public service ang nasa isip nya habang papalapit ang retirement age niya kundi bulsa service. Linisin mo ang mga beerhouse sa Monumento area Gen. Decano. Patunayan mo sa sambayanan na kapakanan ng marami ang nasa iyong isipan at hindi ang bulsa mo.
Abangan!