AGAD nag-react ang ilang mambabasang abogado, sa column ko nung Lunes. Tungkol ‘yun sa pag-approve ng board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office nu’ng 2009 ng bigyan si Catholic Bishop Juan de Dios Pueblos ng four-wheel-drive vehicle na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.
Anang mga abogado, bawal ‘yon, dahil labag sa Konstitusyon. Ayon sa Artikulo VI, Ang Kagawarang Tagapagbatas, Seksyon 29-(2): “Hindi kailanman dapat ilaan, iukol, ibayad, o gamitin ang ano mang salapi, o ari-ariang pambayan, sa tuwiran o di-tuwiran, para sa gamit, pakinabang, o tangkilik sa ano mang sekta, simbahan, denominasyon, institus-yong sektaryan, o sistema ng relihiyon, o sa sino mang pari, pastor, ministro, o iba pang mga guro o dignitaryo ng relihiyon bilang gayon, maliban kung ang gayong pari, pastor, ministro, o dignitaryo ay nakatalaga sa mga sandatahang lakas, o sa alin mang institusyong penal, o ampunan o leprosaryum ng pamahalaan.”
Pagpapatupad ito ng prinsipyo ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado. Upang malayang makapag-sampalataya ang mga mamamayan, pinagbabawalan ang gobyerno na paboran ang isang relihiyon lamang. Saad sa Artikulo III, Bill of Rights, Seksyon 5: “Hindi dapat mag balangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kaila-nganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika.”
Nu’ng 2009 pinaboran ng PCSO ang iisang Kaloli-kong obispo.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@workmail.com